Goodbye, Francis M!


Pagkatapos kong i-feature ang mga produktong galing sa disenyo nang watawat ng Pilipinas na inumpisahan ni Francis Magalona, ama ng Philippine Rap ay kinilabutan ako sa balitang namatay na siya kaninang tanghali lang dahil sa Acute myelogenous Leukemia.


Ang balitang ito ay inihayag ni Vic Sotto sa kanyang pantanghaling programa na "Eat Bulaga" at kaalinsabay din nito ang paghingi niya ng konti minuto para makapagdasal para sa kaluluwa ng namayapa.

Sa edad na 44, napakabata pa ni Francis Magalona para lisanin ang mundo pero hanggang dito na lang siguro ang buhay na ipinahiram sa kanya.

Sino ba ang hindi nakakaalala sa kanya lalo na yung mga kabataan at bata noong dekada nobenta? Isa ata ako sa mga fans niya noon. Nasa elementarya pa ako noong unang ipinakilala niya ang istilo ng kanta na rap sa ating bansa. At pinakapaborito kong mga kanta niya ay ang "Mga Kababayan Ko" at "Kaleidoscope World" na tila hanggang naririnig ko pa habang pinapatutog ng mga FM Station sa Tuguegarao.

Nawala man ang iyong pisikal pero ang iyong mga kanta ay hindi kailanman mamamatay. Salamat sa mga alaala.
Post a Comment

Popular Posts