Poll Automation: A key to diminish "Dagdag-Bawas"?



Muntik nang mapurnada ang pagkaka-automation ng susunod na pampanguluhang eleksyon kung hindi ipinursigi at binatikos ng media pati na ang sambayanan.


Sa wakas matapos itong pagtalunan ng napakahaba-haba, sana pipirmahan na ang P11.3 bilyong Supplemental Budget na ito ni Ginang Arroyo na ngayon nasa mesa na niya at nag-aantay na lang ng pagdampi ng tinta sa papel. Ang nasabing budget ay hindi na pinatagal nina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Edgardo Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance ang bersyon ng House of Congress at ipinadala agad kay Ginang Arroyo.

Pagkatapos itong mapirmahan, uumpisahan na rin ng Commission on Election (COMELEC) ang pagpapa-bid sa Abril para makabili ng mga kailangang makinarya para maisakatuparan ang kauna-unahang National Automation Election sa ating bansa ayon sa Chairman nila na si Jose Melo. Ito daw ay magiging transparent sa sambayanan para mawala ang agam-agam na may mga mangongomisyon na naman.

Para sa akin sana hindi ito pumalpak gaya ng ginawa noong unang pagtatangkang gawin ang automation na kung saan sa huli mano-mano pa rin ang nangyari at hanggang ngayon hindi na naibalik ang downpayment na ibinayad dahil pumalpak ang mga machine. At sa laki ng halagang niyang Supplemental Budget tiyak may makikinabang na namang muli. Mahirap kasing ibalik ang integridad ng COMELEC na lalong nadungisan noong panahon ni Benjamin Abalos. Anong nangyari sa kaso ni Garcillano?

Ang tanong ngayon kung sakaling mapirmahan ito mababawasan kaya ang matagal ng sakit sa kultura natin na "Dagdag-Bawas" dahil sa mano-manong pagbibilang sa mga boto ng mga botante? Malamang OO, malamang din na HINDI. Nasa atin pa rin ang pagpapasya, mga machine pa rin kasi ang mga ito. Magiging accurate lamang ang mga ito kung walang Human Intervention na mangyayari lalo na sa mga nasa lokal na politiko kung saan doon nag-uugat ang mga pandaraya.

Post a Comment