Headaches with Google Pages


Nabuwisit ako sa nagyaring pagkabuho-buhol nang aking mga files na in-upload sa Google Pages kaninang umaga, hindi na kasi gumana ang mga Javascript at mga larawan sa aking mga templeto.

Noon pa ako nakatanggap nang abisong hindi na sila tumatanggap nang mga bagong account sa Google Pages, pero sa akala ko yaong mga existing na account ay di nila buburahin o ililipat sa bago nilang serbisyong ino-offer sa ngayon ang Google Sites pero hindi pala. Pinupursige nilang ilipat daw ang aking account sa Google Sites o dili kaya'y i-redirect sa ibang account.

Ngayon medyo nakakarekober na ang mga ibang files na ini-upload ko. Unti-unti ko na ring napapalitan ang mga ibang files at buti na lang may kopya pa ako sa aking kompyuter.


Post a Comment