Over Reaction


Sa kaso na kinakaharap ngayon ni Ted Failon, lumalabas ang tunay na kulay ng mga pulis sa pagtratrato sa mga mamamayang Filipino. Ni wala kang makitang paggalang nila sa mga itinuturing nilang suspek ("hindi pa po napatunayang sila ang gumawa ng krimen") na mga kasambahay at basta na lang hilahin, kaladkarin o itulak na parang animal. Napakaliwanag pa sa sikat nang araw ang ipinapakita sa bidyu. Parang panahon yata nang Martial Law at ang mga walanghiyang mga pulis na ito ang umiiral at pinapairal ang kanilang pagiging barus.

Ang mga pulis na ito ba ay pinag-aralan ba ang kodigo nang karapatang pantao at hindi mo basta-basta arestuhin ang isang tao na wala kang "Warrant of Arrest" at hindi ka binabasahan nang iyong karapatan bilang isang suspek pa lang. Nakakapanlumong ang mga pulis na ito na sila dapat ang mangalaga sa mga mamamayan pero sila pa ang nauunang gumawa nang di kanais-nais.

Isa pang nakakapanggigil ay ang eksaheradong ginawa ng Kalihim ng Department of Justice ay ang pagpapalabas ng hold-departure order sa primerong suspek na si Ted Failon kahit lumabas na ang negatibong resulta ng Paraffin Test sa kanya.

Kitang-kita na nakikisakay lang ang mga ito sa kung ano mang tinatamasang kasikatan ngayon ang anchorman. Pinagpipiestahan, nakikisawsaw ang iba para lumutang ang pangalan sa media at press. Sila na nauuhaw sa atensyon ng sambayanan.

Post a Comment

Popular Posts