Filipina: again a victim?

Sinadya o hindi sinadya ni Alec Baldwin ang pahayag niya pero masisisi ba natin ang mga ibang lahi kung bakit ganun na lang ang impresyon ng buong mundo sa imahe ng isang Filipina?


Subukan niyong pumunta sa www.google.com at hanapin ang word na Filipina:

Hindi ba lantaran ang ginagawa ng mga kababayan natin para makahanap ng foreigner, kahit sinasabi nilang bawal raw sa batas natin ang Mail-Order-Bride. Marami pa ring mga desperado at kapit-patalim.

Ilang politiko natin ang nag-react pero may magagawa ba sila kung ganun ang mindset ng buong mundo. Paano kaya nila burahin sa isip ng ilang bilyong tao sa mundo? Kung naging istrikto lang sila noon pa sa mga ganitong bagay di sana hindi na nagyari ang ganito. Pang-ilan na ba itong insidenteng ito?

Post a Comment

Popular Posts