-->

Free Again?
Posted by Jake Ilac on June 12, 2009


Ilang araw ding nanahimik ang aking blog dahil sa aksidenteng nangyari sa aking komputer na hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan o dahil na rin sa unti-unting pagtanda nito. Pero noong nakaraang taon ko lang naman ito nabili sa may Gilmore at eto nagpapahiwatig na nang retirement?

Hindi ko tuloy naipagpatuloy ng tuluyan ang aking blog sa kabila, na nagtatalakay ng mga iba't-ibang templetong libre sa mga blogistang katulad ko at ganun na rin sa aking isang blog na may kaugnayan sa mga disenyo, istraktura at gamit ng iba't-ibang klase ng pangdekorasyong ilaw para sa bahay, hotel, kondo, restoran at kung anu-ano pang pwedeng lagyan ng ilaw.

Eto ang mga bago kong adbokasiya para kahit papaano makatulong ng kaonti, o maibahagi man lang ang nalalaman sa larangan ng sining, arte at teknolohiya.

Sa wakas malaya na naman akong makapagpahayag din dito ng aking damdamin at hinaing sa mga taong sadyang bingi o tila talagang nagbibingibingihan at manhid.

Kasabay ng pagdaraos ng independensiya ng ating bansa, kung matawag man itong independensiya nga, naipagawa ko na rin itong aking komputer. Makakabalik na rin ulit ang aking mga kamay sa pagtipa ng mga letra sa aking keyboard. Makakapag-facebook na ulit ako hehehe.

I'm free again!

Next previous home

0 comments to Free Again?

Post a Comment

Mangibati iti komento?

Earn $$ with WidgetBucks!

Copyright  © 2009 by Jake F. Ilac

Based on original Structure Theme by Justin Tadlock