Skip to main content

Mga Munting Komento sa Malalaking Isyu


Wow, tagal din akong namahinga sa pagbla-blog. Namahinga o nabagot? Whatever! Sa daming isyung nagdaan di man lang ako nakapagkomento pero ngayon gawin ko na lang na minsanan.
* * *
Namatay si Cory dahil sa kanser, nalungkot ang sambayanan, maraming nakiramay at ngayon may nagsasabing dapat daw siyang gawing bayani dahil sa tagumpay na ginawa niya sa bayan, naku dami atang sawsaw diyan, daming OA at gawin pang santo. Para sa akin, sobra-sobra na ata ito. Wala na ba siyang ginawang kamalian? Ano ang nagyari sa CARP na siya ang nagsimula? Naipatupad ba ito sa Hacienda Luisita? Hanggang ngayon tuloy pa rin ang laban ng mga magsasaka doon. Marami nang dumanak na dugo doon at nagbuwis pa ng buhay.
* * *

Kumain si Gloria kasama nga tuta niya sa Manhattan's Le Cirque sa New York, at umabot ito ng higit isang milyon pisos. Nagfiesta sila sa mga lutong pagkain Pranses habang ang mahihirap na Filipino ay pinagtiyatiyagahan ang tuyo at noodles. Para sa akin okay lang sana na silang mag-asawa ang kumain doon pero sa dami ng sumama at nakiangkas kaya umabot ng ganun kalaki. Ano kaya ang mas nakakalasing ang basi o ang red wine? Hindi ba ang caviar at yaong itlog ng isda, hmm dapat umuwi ka na lang sa Pampanga, dami ata doon sa inyo.
* * *

Nakakabusog este nakakahiya na pati ang Washinton Post ay ibinunyag din ang pistang ginawa nila sa Bobby Van's Steakhouse. Sarap naman niyang steak. Sana nagbaon kayo ng tapang karne ng kalabaw with matching atsara at itlog aka TAPSILOG at hindi umabot ng $15,000 ang bill pati tip sa mga waiter doon. Idinonate niyo na lang sana ang tip sa bahay ampunan, mas matutuwa pa sana ang sambayanan.
* * *

Ayon sa report, biglang lumobo ang kayamanan ng mag-asawang nakatira sa Malakanyang, mula sa pitong milyon noong bagong upo ngayon nakatayo este naging 144 milyon na ngayon. Saan kaya nila kinuha ito? Sa stock daw! E hirap nga ang buong mundo at lagpak ang stock market paano nila sabihing kumita sila doon? Pero ang tanong totoo kaya yang SAL nila? Buti na lang di natuloy ang ZTE, Maitenance ng EDSA at North Rail kung hindi triple pa sana.
2 comments

Popular posts from this blog

Language Extinction

Hindi lang ang mga likas yaman at hayop ang nanganganib na mawawala sa mga susunod na araw kundi pati ang mga wikang ginagamit ng mga tao. Nanganganib na mawala dahil sa paubos ang kanilang lahi at ang kanilang original na ginagamit na salita ay nagbabago o naiimpluwensiyahan ng ibang wika.

May 6, 809 na lengguahe ang buong mundo at 100-150 nito ay matatagpuan sa Pilipinas. 32 nito ay mga Agta (ayta, atta, ati, ata, dumagat, ita, negrito, baluga, arta, ) na may iba-ibang klase depende kung saan sila matatagpuan o kung anong grupo sila nabibilang. 16 nito ay nakatira sa sakop ng Sierra Madre. Lahat ng ito ay nanganganib na mawala.

Sa ngayon ang Ayta-Tayabas( Matatagpuan sa Tayabas, Quezon), Agta-Dicamay (Dicamay River, Jones, Isabela) at Katabaga (Bondoc) ang pinakakritikal sa lahat dahil wala ng rekord kung nabubuhay pa sila. Ikinokonsidera na rin kasi itong patay na wika.

Susunod sa listahan ang Agta-Isarog (Bundok Isarog ng Naga) , Agta-Villa Viciosa na matatagpuan sa Abra at ngayon na…

The Undying Customs of Ibanag

Ang Pagmamano ay isa sa mga namamatay na kaugalian ng mga Filipino. Kumukupas habang dumadaan ang panahon at naging pang-seasonal na lang ito tuwing pasko kung saan ang inaanak ay humihingi ng aginaldo sa kanyang ninong/ninang at bago siya bigyan syempre nagmamano muna.

Sa mga Ibanag, ang pagmamano ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. Ito’y paggalang nila sa mga nakakatanda tuwing darating ang isang nakakabata galing sa bakasyon o nawalay ng mahabang oras sa loob ng isang araw.

Ako bilang isang anak ng Ibanag (nanay ko), namulat ako sa mga ugaling kaistriktohan ng aking lolo. Ang pagmamano ay dapat ginagawa at ang di pagsunod nito’y kabastusan para sa kanila. Sisitahin ka o papagalitan.

Ang paghikab habang kumakain ay kinokonsiderang hindi paggalang sa mga nakaharap sa kainan at ganun din sa mga pagkaing nakasalang sa mesa. May kaukulang kaparusahan ito. Pwedeng papaluhurin ka sa munggong nakakalat sa sahig o sa asin na nakalagay sa bilao.

Ang pag-offer ng kape sa mga nangapit-bahay …

Baina ken Buneng

Ganganin nalikaw amin ni Nana Merced ti amin a suli ti balay. Di met laengen sumangpet ni Tata Carias.      Agmaysa orasen a binay-anna a nakatakkub ti pinggan iti lamisaan. Itay pay a nagsebo ti digo ti lauya a baka a nagrigrigatanna nga iniwa iti kutsilio ta awan ti natadem a buneng ti lakayna. Ti laeng lalat a baina ti nakitana a nakabitin iti ngatuen ti kasuoran.

Alikumkumenna koma ti pinggan idi maiwalin ti abbong ti ridaw a kumamang iti sala manipud iti kosina. Ni Tata Carias ti naikuadro. Awanan timek a simrek. Narusanger ti suot daytoy ta tanda ti dina panagsukat iti dua aldaw. Simmango iti lamisaan ket imparabawna ti buneng. Nakigtot ni Nana Merced idi maitupak daytoy iti rabaw ti lamisaan. Uray la naglagto ti tinidor ken kutsara. Namarkaan ti nasilap a buneng iti nagkiggang a dara.

"Mabisinkan? Innak laeng idadang diay sida." Timmalikod ti baket.

Agsubli koma ti baket a mapan mangala iti malukong idi magaw-at ti punguapunguanna. Agpukkaw koma nga agpaarayat ni Nan…