A man with "no " one word


Ipinakita lang talaga ni Manny Pacquiao ang kanyang pagiging boksingero, na umuurong kung aakmang susuntok ang kanyang kalaban at susulong kung aatakehin ito.

(itutuloy)


Anaraar & Structure Templates


Nasa pagsasapinal na ako sa dalawang template na ginagawa ko ngayon, ito ang Anaraar at Structure. Konting ayos na lang sa mga disenyo nito at pagpupunan sa mga field para makompleto.


Ang Structure na orihinal sanang sa buwang ito ko irerelease kaso nagkaroon lang ako ng konting aberya sa pagproprogram ng tab menu nito. dalawang seksyon kasi nito ang may menu at nagkakaroon sila ng komplikasyon. Ito ay kombersyon ng Structure Theme ni Justin Tadlock na ginawa para lang sa Wordpress pero ngayon winowork-out ko para sa Blogger. Napakomplikado at detalyado nito para sa Blogger.

Ang Anaraar ay isang template na ang disenyo ay para website template. Tinanggal ko ang date sa bawat post para gumanang pang-website at hindi lang pang-blog. Minimalist ang itsura at hindi siya kagayang ng ibang template na masyadong maraming field na lagyan.

Kaya sa mga nag-aabang ng mapagpipiliang template, abangan na lang ito. Mas magkonsentreyt din ako sa mga minimalist na disenyo na tipong pangwebsite pero gawang Blogger.

Namnama Template

Hindi ko man natapos ang ginagawa kong Structure Template na ipinangako ko na ilo-launch sana sa March 15. May kaunti kasi akong problema sa isang field na hindi ko makuhakuha kung paano i-tweak. Heto pansamantala at ilabas ko itong pangalawang ginawa ko na mas medyo simple kaysa sa Arapaap Template pero mas elegante siyang tignan na ginamitan ko nang background at dinominante ng kulay asul. Tatawagin ko itong Namnama Template na ibig sabihin "Pag-asa" sa Iluko.

[DOWNLOAD] [DEMO]


Heto ang mga codes kung paano i-customize:

TWITTER





1. Go to LAY-OUT / Edit HTML
2. Search this code:

<script SRC='http://twitter.com/statuses/user_timeline/YOUR TWITTER ID.json?callback=twitterCallback2&amp;count=2' TYPE='text/javascript'/>
3. Replace "YOUR TWITTER ID" with your own Twitter ID.
4. Then Save

MAIN SIDEBAR


















1. Go to LAY-OUT / Page Elements
2. You can put your preferred widgets here. But assuming we will put "RECENT POSTS and RECENT COMMENTS". This two Widgets have similarities.
3. Click "Add a Gadget".
4. Select "HTML/Javascript"

For RECENT POST:

<script language="JavaScript" src="http://tools.bloggerbuster.com/headlines/feed2js.php?src=http%3A%2F%2FYOUR-BLOG ADDRESS%2Ffeeds%2Fposts%2Fdefault&amp;num=10" type="text/javascript"></script>

a.)Replace the UPPERCASE LETTERS "YOUR-BLOG ADDRESS" with your own Blog Address.
b.)Save.

For RECENT COMMENTS:

<script language="JavaScript" src="http://tools.bloggerbuster.com/headlines/feed2js.php?src=http%3A%2F%2FnYOUR-BLOG ADDRESS%2Ffeeds%2Fcomments%2Fdefault&amp;num=5" type="text/javascript"></script>

a.)Replace the UPPERCASE LETTERS "YOUR-BLOG ADDRESS" with your own Blog Address.
b.)Save.

FEATURE POST




















Add this code:

<script language="JavaScript">
imgr = new Array();


imgr[0] = "http://jake.ilac.googlepages.com/thumb1.jpg";
imgr[1] = "http://jake.ilac.googlepages.com/thumb2.jpg";
imgr[2] = "http://jake.ilac.googlepages.com/thumb3.jpg";
imgr[3] = "http://jake.ilac.googlepages.com/thumb4.jpg";


showRandomImg = true;


tablewidth = 248;
cellspacing = 8;
borderColor = "#ffffff";
bgTD = "#ffffff";

imgwidth = 410;
imgheight = 400;

fntsize = 12;
acolor = "#666";
aBold = true;
icon = " ";

text = "comments";

showPostDate = false;

summaryPost = 250;
summaryFontsize = 11;
summaryColor = "#666";
icon2 = " ";
numposts = 1;

label = "features";

home_page = "YOUR BLOG ADDRESS";

</script>
<script src="http://jake.ilac.googlepages.com/recentposts_horizontal_title_below_no.js" type="text/javascript"></script>

2. Replace "YOUR BLOG ADDRESS" with your own.
3. Save

POST SECTION



















Note: Set a limit on the showed quantity of your post.

1. Go to SETTING / Formatting.
2. Change the field "Show" by "3"
3. Then Save.

RECENT THUMBNAILS AND TITLE OF YOUR POST





1. Add this code:
<script language="JavaScript">
imgr = new Array();


imgr[0] = "http://jake.ilac.googlepages.com/thumb1.jpg";
imgr[1] = "http://jake.ilac.googlepages.com/thumb2.jpg";
imgr[2] = "http://jake.ilac.googlepages.com/thumb3.jpg";
imgr[3] = "http://jake.ilac.googlepages.com/thumb4.jpg";


showRandomImg = true;


tablewidth = 248;
cellspacing = 8;
borderColor = "#ffffff";
bgTD = "#ffffff";

imgwidth = 100;
imgheight = 80;

fntsize = 12;
acolor = "#666";
aBold = true;
icon = " ";

text = "comments";

showPostDate = false;

summaryPost = 0;
summaryFontsize = 11;
summaryColor = "#666";
icon2 = " ";
numposts = 8;


home_page = "YOUR BLOG ADDRESS";

</script>
<script src="http://jake.ilac.googlepages.com/recentposts_horizontal_title_below.js" type="text/javascript"></script>

2. Change "YOUR BLOG ADDRESS" with your own.
3. Save.

LABEL SIDEBARS






To fill-up the fields:

1. First, get your own blogID. BlogID can be found when you post an article. Something like this:

http://www.blogger.com/post-create.g?blogID=3645765974********

2. Type this in a new tab:

www2.blogger.com/feeds/YOUR-BLOG-ID/posts/default/-/YOUR-LABEL.

3. Be sure of your "Label" because this is case sensitive. Copy the link.

www2.blogger.com/feeds/3645765974********/posts/default/-/Technology

4. Go to "Lay-out / Page Elements". Add Gadget to the are where you want the sidebar to be seen.

5. Select Bloglist. Paste the link that you derive from the Atom Feed. Check "Add a blog to your list". Then check box of Title, Thumbnail, & Snippet of the Most Recent.

6. You can rename it.

7. Save.

My Video














1. You can embed a video but don't forget to customize the size. Fill up this code in the dimension parts of the video:

2. width="290" height="200"

3. Save.


-----------------------

Sana nagustuhan niyo itong bagong Template na ginawa ko. Abangan sa susunod na buwan ang panibagong template na ilalabas ko.



Goodbye Eraserheads!


Pinakamahirap sa lahat ang pamamaalam lalo na kung naging parte ito nang iyong nakaraan. Opo, eto na ata ang pinakahuli-huliang konserto ng bandang sumikat ng husto noong dekada nobenta, ang Eraserheads. Ngayong gabi kasi gaganapin sa may SM Malll of Asia ang kanilang pangalawang (huli?) konserto pagkatapos maudlot ito noong nakaraang taon nang isugod ang bokalista ng banda na si Ely Buendia sa ospital. Ang konserto nila ay pinamagatang "The Final Set".


Masasabi kong isa sila sa mga naging bandang pinakapaborito ko at isa rin ako sa nalungkot noong nagkawatakwatak sila at nagkaroon nang sari-sariling mga banda.

Sila lang din yata ang bandang naka-incorporate ang Ilokano lyrics sa kanilang kanta. Eto ang "Toyang" na sumikat ng husto noong high school kami. Ang kantang ito ay sumasalamin sa buhay ng isang ordinaryong Filipino na nagmamahal ng tunay kahit sa hirap siya.



Kahapon namaalam si Francis M dahil sa sakit pero eto mamamaalam naman ang Eraserheads. Magiging sorpresa sana ang rapper sa mga manonood sa kanilang konserto ngayon pero mas nasorpresa sila dahil mas nauna itong namaalam sa industriya ng isang araw.

Goodbye, Francis M!


Pagkatapos kong i-feature ang mga produktong galing sa disenyo nang watawat ng Pilipinas na inumpisahan ni Francis Magalona, ama ng Philippine Rap ay kinilabutan ako sa balitang namatay na siya kaninang tanghali lang dahil sa Acute myelogenous Leukemia.


Ang balitang ito ay inihayag ni Vic Sotto sa kanyang pantanghaling programa na "Eat Bulaga" at kaalinsabay din nito ang paghingi niya ng konti minuto para makapagdasal para sa kaluluwa ng namayapa.

Sa edad na 44, napakabata pa ni Francis Magalona para lisanin ang mundo pero hanggang dito na lang siguro ang buhay na ipinahiram sa kanya.

Sino ba ang hindi nakakaalala sa kanya lalo na yung mga kabataan at bata noong dekada nobenta? Isa ata ako sa mga fans niya noon. Nasa elementarya pa ako noong unang ipinakilala niya ang istilo ng kanta na rap sa ating bansa. At pinakapaborito kong mga kanta niya ay ang "Mga Kababayan Ko" at "Kaleidoscope World" na tila hanggang naririnig ko pa habang pinapatutog ng mga FM Station sa Tuguegarao.

Nawala man ang iyong pisikal pero ang iyong mga kanta ay hindi kailanman mamamatay. Salamat sa mga alaala.

Flop on Flip Flops


Dahil sa kolonyal na mentalidad ng mga Filipino naging sikat itong mga tsinelas o yung tinatawag nilang Flip Flops/Estampas na Havaianas galing Brazil.


Naging status symbol sa mga mamamayan dahil sa halaga nito na P700 ang pinakamura at libo-libo na ang pinakamahal. Kahit sa mga nag-oopisina pumapasok sila sa kanilang trabaho na suot ito at akala nila magandang tignang iterno ito sa kanilang uniporme. Pati mga batang maykaya, pumapasok din sa paaralan na gamit ito.

Noong March 3 naglabas ang U.S. Consumer Product Safety Commission nang recall sa mga Havaianas Children's flip flops na may decorative paint sa pinakamukha nito. Ang pintura daw ng mga tsinelas na ito ay nagtataglay ng sobra-sobrang antas ng Lead.

Nang kami ang bata, "Spartan" ang gamit namin noon. Matibay din ito dahil umaabot ng isang taon bago mapudpud. Ito ang pinaka-Havaianas namin noon. Buti at wala pang mga pintura ito. Ewan ko lang kung may mabibili pang brand na ganun ngayon.

Eto ang kumpletong litahan ng mga Havaianas na pinarecall:

Baby Estampas, Baby Pets, Kids Apple, Kids Fairy, Kids Flores, Kids Lighthouse, Kids Monsters, Kids Surf, Baby Letrinhas, Kids Sports, Kids Candies, Kids Fun, Kids Love, Kids Sereias, Kids Speed, Kids Lucky Bug, Kids Pets, Kids Rock, Kids Slim, Kids Wonder Woman, Kids Small Flowers and Kids Tropical w/Kit.


Poll Automation: A key to diminish "Dagdag-Bawas"?



Muntik nang mapurnada ang pagkaka-automation ng susunod na pampanguluhang eleksyon kung hindi ipinursigi at binatikos ng media pati na ang sambayanan.


Sa wakas matapos itong pagtalunan ng napakahaba-haba, sana pipirmahan na ang P11.3 bilyong Supplemental Budget na ito ni Ginang Arroyo na ngayon nasa mesa na niya at nag-aantay na lang ng pagdampi ng tinta sa papel. Ang nasabing budget ay hindi na pinatagal nina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Edgardo Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance ang bersyon ng House of Congress at ipinadala agad kay Ginang Arroyo.

Pagkatapos itong mapirmahan, uumpisahan na rin ng Commission on Election (COMELEC) ang pagpapa-bid sa Abril para makabili ng mga kailangang makinarya para maisakatuparan ang kauna-unahang National Automation Election sa ating bansa ayon sa Chairman nila na si Jose Melo. Ito daw ay magiging transparent sa sambayanan para mawala ang agam-agam na may mga mangongomisyon na naman.

Para sa akin sana hindi ito pumalpak gaya ng ginawa noong unang pagtatangkang gawin ang automation na kung saan sa huli mano-mano pa rin ang nangyari at hanggang ngayon hindi na naibalik ang downpayment na ibinayad dahil pumalpak ang mga machine. At sa laki ng halagang niyang Supplemental Budget tiyak may makikinabang na namang muli. Mahirap kasing ibalik ang integridad ng COMELEC na lalong nadungisan noong panahon ni Benjamin Abalos. Anong nangyari sa kaso ni Garcillano?

Ang tanong ngayon kung sakaling mapirmahan ito mababawasan kaya ang matagal ng sakit sa kultura natin na "Dagdag-Bawas" dahil sa mano-manong pagbibilang sa mga boto ng mga botante? Malamang OO, malamang din na HINDI. Nasa atin pa rin ang pagpapasya, mga machine pa rin kasi ang mga ito. Magiging accurate lamang ang mga ito kung walang Human Intervention na mangyayari lalo na sa mga nasa lokal na politiko kung saan doon nag-uugat ang mga pandaraya.