Filipina: again a victim?

Sinadya o hindi sinadya ni Alec Baldwin ang pahayag niya pero masisisi ba natin ang mga ibang lahi kung bakit ganun na lang ang impresyon ng buong mundo sa imahe ng isang Filipina?


Subukan niyong pumunta sa www.google.com at hanapin ang word na Filipina:

Hindi ba lantaran ang ginagawa ng mga kababayan natin para makahanap ng foreigner, kahit sinasabi nilang bawal raw sa batas natin ang Mail-Order-Bride. Marami pa ring mga desperado at kapit-patalim.

Ilang politiko natin ang nag-react pero may magagawa ba sila kung ganun ang mindset ng buong mundo. Paano kaya nila burahin sa isip ng ilang bilyong tao sa mundo? Kung naging istrikto lang sila noon pa sa mga ganitong bagay di sana hindi na nagyari ang ganito. Pang-ilan na ba itong insidenteng ito?

Who wants to have a new Laptop?


Maganda itong nakita kong pakulo ngayon nang isang website. Magpapamudmod daw sila ng sampung bagong laptop sa sinumang gustong magkaroon.

Ang main criteria ay kung sino ang may pinakamaraming sign-up sila ang mananalo.

Kaya sa mga gustong magpartisipa mag-log-on lang sa www.eyp.ph/userfriendly. Hanggang July 20, 2009 lang ang promo.



Poor GMA-7 Coverage


Alas diyes pa lang ng umaga kahapon nakatutok na ako sa live streaming na magaganap sa isang website na kinuha niya rin thru pay-per-view ng HBO sa laban ni Manny Pacquiao at Ricky Hatton.

Malinaw ito kahit maliit lang ang screen, parang naonood na rin ako sa TV pero walang komersyal na napakahaba, na doble/triple ang haba kaysa sa isang round, walang putol at kuhang-kuha lahat ang detalye.

Hindi man masyado uminit ang laban sa bout nina Hatton-Pacquiao dahil sandali lang natapos, medyo kontento na rin ako dahil hindi ako nabitin o nainis. Tuloy-tuloy ang aking panonood hanggang natapos.

Mag-aalas tres na ng hapon ng umpisahan ng GMA-7 ang kanilang coverage o delay telecast ng laban nina Pacquiao at Hatton. Ginusto ko pa ring ulitin dahil sa bilis ng laban pero masyado akong dismayado sa feed nila. Putol-putol ito at tsinaptsap masyado, wala na yung coverage kung saan kumanta si Tom Jones sa National Anthem ng UK at yung Star Spangle Banner ng US. Dumagdag pa ang ka-o-eyan ni Martin Nievera sa pagkanta ng Lupang Hinirang na ewan ko kung sino ang nag-arrange doon. Binaboy ata ang ating National Anthem?

Sa unang round pa lang dalawang bese ng bumagsak si Hatton na sa akala ko doon na matapos ang kanilang laban pero nagkaroon pa ng pangalawang round na antagal-tagal sinudan. Sa pangalawang round doon na bumagsak si Hatton. Nagbunyi ang mga Filipino, naghiyawan sila. Nagpatalastas ulit ang GMA-7 pero sa kanilang pagbalik inulit na naman nila ang unang round. Syempre dalawang beses ulit bumagsak si Hatton, then sinundan ulit ng round two. Bale 6 na beses bumagsaksi Hatton sa GMA-7 he!he!he!

Alas kwatro na ata natapos ang laban ni Pacquiao sa GMA-7. Pero sa live streaming wala pang kinse minutos. Kaya sa susunod, huwag na kayong manood sa TV punta na lang kayo sa internetan at umupa para doon manood sa laban ni Pacquiao.

Photo: http://www.boxnews.com.ua/