Free Again?


Ilang araw ding nanahimik ang aking blog dahil sa aksidenteng nangyari sa aking komputer na hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan o dahil na rin sa unti-unting pagtanda nito. Pero noong nakaraang taon ko lang naman ito nabili sa may Gilmore at eto nagpapahiwatig na nang retirement?

Hindi ko tuloy naipagpatuloy ng tuluyan ang aking blog sa kabila, na nagtatalakay ng mga iba't-ibang templetong libre sa mga blogistang katulad ko at ganun na rin sa aking isang blog na may kaugnayan sa mga disenyo, istraktura at gamit ng iba't-ibang klase ng pangdekorasyong ilaw para sa bahay, hotel, kondo, restoran at kung anu-ano pang pwedeng lagyan ng ilaw.

Eto ang mga bago kong adbokasiya para kahit papaano makatulong ng kaunti, o maibahagi man lang ang nalalaman sa larangan ng sining, arte at teknolohiya.

Sa wakas malaya na naman akong makapagpahayag din dito ng aking damdamin at hinaing sa mga taong sadyang bingi o tila talagang nagbibingibingihan at manhid.

Kasabay ng pagdaraos ng independensya ng ating bansa, kung matawag man itong independensya nga, naipagawa ko na rin itong aking komputer. Makakabalik na rin ulit ang aking mga kamay sa pagtipa ng mga letra sa aking keyboard. Makakapag-facebook na ulit ako hehehe.

I'm free again!

Anti-Con Ass on Facebook



Tila pagod na rin ang mga tao sa pagra-rally sa mga lansangan at ngayon may bago ng paraan para kalampagin ang mga lider na walang ginawa kundi ang pansariling interest lang.

Heto at kahit ang pinakapaborito kong social networking site ay mayroon na ring petisyon na pwedeng salian para iparamdam sa mga walanghiyang mga House of Represent the Thieves (este Representatives) ang kasuklamsuklam na ginawang pagpapasa ng Con-Ass.